Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Juang Pinoy: “Ang huwarang pinoy”


Juang Pinoy: “Ang huwarang pinoy”

Hayaan ninyong ihayag ko sa inyo kung gaano na kataliwas ang katapatan sa puso ng bawa’t Pilipino.
Ayon sa mga tala sa kasaysayan, likas na ang pagiging tapat nating mga Pilipino. Sa panahon ng Dinastiya ng Ming at Sung, nakikipagkalakalan na ang mga Tsino sa ating bansa. Sinasabi na ang mga Tsino ay hinahayaan lamang ang kanilang mga produkto sa ating bansa dahil nakatitiyak sila na hindi ito mananakaw at malulugi dahil sa katapatang ipinamamalas ng mga Pilipino. Sa kabilang dako, nang sumapit ang ika-labing apat at labing limang siglo, nagsimulang lakbayin ng mga nabigador ang malawak na mga karagatan para makahanap ng mga hilaw na materyales. Nang masakop ang Pilipinas ng mga Espanyol, dito na unti-unting nawala ang katapatan ng mga Pilipino. Sa pag-aaral sa Antropolohiya, ang katapatang tinataglay ng mga Pilipino ay mala bulang unti-unting naglaho dahil sa mga batas at panukalang ipinatupad ng mga Espanyol na lubhang labag sa mga Pilipino. Nang makalaya ang bansang Pilipinas sa mga mananakop ay unti-unting bumabalik sa bawa’t isa ang katapatan. Katapatang napagtibay ng mga panrelihiyong aralin. Ngunit, sa panahon natin ngayon; masasabi ba nating naibalik na nang lubusan ang katapatan sa puso ng bawa’t isa o di naman kaya’y tuluyan nang nabago ang kahulugan nito dahil sa mala kisap-matang pagbabago.
“Be the change you wish to see the earth, ika nga ni Mahatma Gandhi. Likas na sa ating mga Pinoy ang magreklamo sa pamahalaan sa di-umanong “hindi matapat na pamumuno” nito. Ngunit di natin naitatatong sa ating mga sarili kung tayo rin ba ay tapat na naglilingkod sa sarili, kapwa, at bansa. Lagi tayong nag-aasam ng pagbabago, pagbabagong kung lubusang susuriin ay tunay na pansariling interes lamang. Sa dakong huli, kung nais talaga ng isang tao ng pagbabago, sisimulan niya ito sa sarili sa pagiging tapat. Pagiging matapat na magdudulot ng tunay na kasaganahan at kapayapaan sa ating bansa.
Bilang isa sa mga taong naghahangad ng pagbabago, sisimulan ko ito sa aking sarili. Sisimulan kong manghikayat ng mga bagong lider na magsusulong ng katapatan sa ating bansa. Ang matapat na lider, hindi tinitingnan ang posisyon at ranggo niya para makatulong. Ang matapat na paglilingkod ay hindi lamang pagbibigay ng serbisyo kundi pagpapakita rin ng pagmamahal sa kapwa, ipinaaalala sa atin ng “Para sa Lakas ng mga Kabataan” na ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa sarili at sa iba. Kapag kayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang inyong espiritu at ang pakikipag-ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa hinaharap at magdaragdag sa inyong kakayahang magabayan ng Espiritu Santo.” Hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang isang huwarang lider na dapat niyong tularan, lider na tagapagtaguyod ng pinakama-unlad at pinakasikat na kompanya sa buong mundo, ang IBM (International Business Machine) na si Buck Rodger. Ayon sa kanya, ang matapat na lider ay nararapat na tapat sa kaniyang kilos at salita. Ginagamit niya ang kaniyang mga salita para magserbisyo’t maging inspirasyon sa kaniyang mga tauhan, mahilig siyang gumamit ng “motivational words” sa Ingles. Sunod sa kaniyang paniniwala, magiging tapat kang lider kung inuuna mo ang kapakanan ng nakararami kaysa sa mga materyal na bagay.. Ang totoong sukatan ng totoong integridad at ganap na katapatan ay kung ano ang ginagawa ninyo kapag walang nakakaalam ng iniisip, sinasabi, o ginagawa ninyo. Ang pagiging tapat ding lider ay ang pagiging bukas at transparent sa mga tauhan o kapwa. Siya rin ay responsable sa mga gawaing nararapat niyang gawin. Hindi masasabing matapat na lider ang isang tao kung sa simula’t sapol pansariling interes lamang ang kaniyang hangad para sa katayuang maari niyang makuha. “Never sacrifice your integrity for a few cost” ika nga. Mga kabataang mulat sa tunay na estado ng ating bansa, nais kong sabihin ang katagang “Heal the World, make it a better place for you and for me and the entire race”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento